Panoorin ang pang araw araw na komentaryo at gumawa ng mga desisyong may kaalaman sa pangangalakal
Bago sa trading ng forex o hindi sigurado tungkol sa kahulugan ng isang salita?
Tingnan ang aming komprehensibong listahang mula A-Z ng mahahalagang terminong nauugnay sa trading at sa mga pamilihan at maging isang eksperto.
Tumutukoy ito sa presyo sa pamilihan kung sa alin bumibili ang mga trader ng mga salapi. Kilala rin bilang Presyong Alok ang mga presyong ask.
Ito ay isang mapagkukunang pang-ekonomiya na maaaring pag-aari o kontrolin upang magdulot ng tubo o isang benepisyo sa hinaharap. Sa trading sa pananalapi, nauugnay ang terminong asset sa kung ano ang ipinapalit sa mga pamilihan, tulad ng mga sapi, bond, salapi o kalakal.
Isang trader na naniniwala na babagsak ang presyo ng isang asset.
Ito ang halaga ng pera na handang ibayad ng isang bumibili para sa isang pinansyal na panagot ng asset.
Isang trader na naniniwala na paakyat ang isang pamilihan, instrumento o sektor.
Ito ay ang palayaw na ginagamit para sa pares ng salapi na GBP/USD.
Ito ay isang kontrata ng opsiyon na nagbibigay sa may-ari ng karapatan, ngunit hindi ang obligasyon, na bumili ng isang tiyak na halaga ng isang pinagbabatayang panagot sa isang natukoy na presyo sa loob ng isang natukoy na panahon. Kapag naniniwala ang isang trader na tataas ang presyo ng isang asset, bibilhin niya ang opsiyong ito. Kilala rin ito bilang High Option.
Kapag ang isang mamumuhunan ay humihiram ng pera sa mabababang antas ng interes upang makabili siya ng mga asset na malamang na magdudulot ng mga mas matataas na antas ng interes.
Ito ay isang pamilihang pinansyal na may kinalaman sa mga kagamitang panangkap. Kilala rin ito bilang isang ‘pangunahing sektor ng ekonomiya’.
Ang pagbubukas at pagsasara ng isang posisyon sa mismong araw. Bilang patakaran, ang mga trader sa araw ay nagte-trade sa mga galaw ng pamilihan sa mismong araw.
Ito ay ang rate ng FX para sa isang quote sa mga takdang yunit ng dayuhang salapi laban sa mga pabagu-bagong halaga ng lokal na salapi. Kaya naman, palaging baseng salapi ang dayuhang salapi.
Ito ay ginagamit upang makapasok sa isang natukoy na antas ng presyo. Kung hindi kailanman aabot ang pares ng salapi sa antas ng presyo na iyon, hindi isasagawa ang entry order.
Rate kung saan maaaring malayang magbago ang presyo ng salapi, dahil naiimpluwensiyahan ito ng isang bukas na pamilihan, sa halip na nakatakda sa halaga ng ibang salapi.
Ito ay isang kasunduang bumili o magbenta ng isang paunang itinakda na halaga ng isang kalakal sa isang tiyak na presyo sa isang tiyak na petsa sa hinaharap at ang pagpapatupad nito ay obligatoryo.
Ito ay mga biglaang paghihiwalay sa presyo kung saan direktang gumagalaw ang pamilihan mula sa isang presyong na-quote nang tama sa ibang presyo, na ibang-iba talaga. Ang mga ito ay ipinapakita sa isang grapiko ng isang hindi linear na pagtalon o pagbaba mula sa isang punto sa tsart papunta sa ibang punto.
Ito ay ang nangungunang indise ng sapi sa Germany, na binubuo ng weighted average ng 30 pinakamalalaking kompanya sa Pamilihang Sapi ng Frankfurt. Kilala rin ito bilang DAX 30.
Ito ay isang pattern ng presyo sa candlestick charting na nangyayari kapag tine-trade ang isang panagot nang higit na mas mababa kaysa sa pagbukas nito, ngunit napamuling-sigla ito sa loob ng panahon ng candlestick upang magsara nang malapit, ngunit nang mas mababa kaysa sa, pambukas na presyo.
Ito ay isang pamumuhunan upang mabawasan ang panganib ng masasamang galaw ng presyo sa isang asset. Sa karaniwan, ang isang hedge ay kumukuha ng isang posisyong ino-offset ang isang nauugnay na panagot, tulad ng isang kontrata ng mga opsiyon o future.
Ito ay tumutukoy sa bumibili ng isang salapi sa trading ng forex.
Ito ay isang kuwantitatibong sukat ng rate kung sa alin ang mga pangkalahatang presyo ng mga paninda at serbisyo ay tumataas sa haba ng isang tiyak na tagal ng panahon. Madalas na ipinapahayag bilang isang bahagdan, nangangahulugan ito na, habang umaakyat ang mga pangkalahatang presyo, bumababa ang kapangyarihang bumili para sa bawat yunit ng salapi.
Ang mga ito ay ang rate kung sa alin binabayaran ng isang manghihiram ang isang utang sa isang nagpapahiram, na karaniwang ipinapahayag bilang isang taunang bahagdan ng natitirang utang.
Ito ay terminong balbal para sa New Zealand Dollar. Code ng salapi (NZD).
Ito ay ang prosesong isinasagawa ng isang negosyong may kinalaman sa isang transaksiyong pinansyal upang kilalanin at patunayan ang pagkakakilanlan ng mga customer. Malagang bahagi ito ng regulasyon sa pagbabangko.
Sa internasyonal na negosyo, karaniwan itong tumutukoy sa pagpapabilis o pagkaantala ng normal na pagbabayad o mga resibo sa isang transaksiyon ng dayuhang palitan batay sa isang inaasahang pagbabago sa mga halaga ng palitan.
Sa mga simpleng termino, ito ay ang ratio ng halaga ng kapital na ginagamit sa isang transaksiyon sa kinakailangang marhen. Kapag nagte-trade, binibigyan kayo ng leverage ng kakayahang makapagkontrol ng mas malalaking halaga sa isang kalakalan gamit lamang ang medyo maliit na deposito (ang inyong marhen).
Ito ay isang uri ng order upang bumili o magbenta ng isang panagot sa isang natukoy na presyo o mas mataas pa.
Sa mga pamilihang pinansyal, kinakatawan ng isang lot ang standardized na bilang ng mga yunit sa isang instrumentong pinansyal gaya ng itinakda ng isang palitan o katulad na lupon ng pangangasiwa. Ang bilang ng mga yunit ay tinutukoy ng laki ng lot.
Ito ay ang pinakamababang halaga ng mga pondo, na ipinapahayag bilang isang bahagdan, na kailangan ninyo kung nais ninyong magbukas ng isang posisyon at panatilihang bukas ang inyong mga posisyon.
Ito ay nangyayari kapag ang balanse ng account ng isang mamumuhunan ay mas mababa sa kinakailangang halaga ng broker. Ang margin call ay ang kahilingan ng broker na magdeposito ng mga karagdagang pondo ang isang mamumuhunan upang umabot sa pinakamababang halaga ang account.
Ito ay isang terminong ginagamit upang ilarawan ang rate ng pagbabago sa presyo ng isang asset – isang pattern na ginagamit sa teknikal na pag-aanalisa. Kinakalkula ang momentum sa pamamagitan ng pagtatala ng slope ng isang linya ng kalakaran; sinusubaybayan nito ang mga antas ng presyo ng anumang asset sa haba ng panahon.
Ito ay ang kabuuang kita ng isang kompanya Ipinapakita ng terminong ito ang mga kita tulad ng interes, buwis, depresasyon, at ibang mga gastos na igugugol sa pagnenegosyo. Ipinapakita ng netong kita ang pangkalahatang ‘kalusugan’ ng isang kompanya.
Ito ay ang halaga ng posisyon kapag nabawasan na ang paunang gastos ng pag-set up ng posisyon.
Inilalabas tuwing unang Biyernes ng bawat buwan, ang datos na ito ay isang tinatantiyang numero ng mga trabaho sa payroll sa lahat ng negosyong hindi sa bukid at mga ahensiya ang pamahalaan. Ginagamit ng mga trader ang impormasyong ito upang bumuo ng mga may-kabatirang desisyon tungkol sa kanilang portfolio sa pamumuhunan, batay sa mga implikasyon ng datos ng NFP at mga antas ng interes sa hinaharap.
Ito ay isang kalakal na ginagamit upang mag-generate ng kuryente at enerhiya sa kasalukuyang lipunan. Ang mga presyo ng langis sa pamilihan ay tinutukoy ng pangkalahatang supply at demand. Gayon pa man, dahil ang mga pinagmumulan ng supply ay mas madalang kaysa sa karaniwan at tsaka isang mapagkukunang hindi renewable ito, may mga kakaibang pangyayari para sa panig ng supply. Karaniwang tine-trade ang langis sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta ng mga future ng langis.
Ito ay isang uri ng order na isasagawa kapag maaabot ang isang tiyak na presyo sa pamilihan.
Ito ay isang trade na kasalukuyang aktibo na hindi pa naisasara.
Ito ay kung kailan mabilis na gumagalaw ang isang pamilihan sa isang napakaikling panahon, kadalasang gumagalaw habang pabilis nang pabilis na kahawig ang kalahati ng isang parabola. Karaniwang mas madalas na ginagamit ang terminong ito sa isang pataas na galaw.
Kinakatawan nito ang isang maliit na sukat ng pagbabago sa isang pares ng salapi sa pamilihan ng forex at isang pagpapaikli ng “point in percentage”. Maari itong sukatin ayon sa quote o ayon sa pinagbabatayang salapi. Ang isang pip ay isang standardized yunit at ito ay ang pinakamaliit na halaga sa kung alin maaaring magbago ang isang quote ng salapi. Nakakatulong na protektahan ng standardized na laki na ito ang mga mamumuhunan mula sa malalaking pagkalugi.
Ito ay ang antas ng pagiging naaakses ang impormasyon tungkol sa mga presyong bid, presyong ask at dami ng trading para sa isang instrumento sa trading.
Ito ay kung paano tinatagunton ng isang pamilihang nagte-trend ang isang bahagi ng mga tubo bago bumalik o manatili sa parehong direksiyon. Karaniwang ginagamit sa isang paghinto ng isang uptrend.
Ito ay kung kailan nag-iinject ng pera sa isang ekonomiya ang bangko sentral upang pasiglahin ang paglaki. Sa kasong ito, karaniwang bumibili ang bangko sentral ng mga panagot ng pamahalaan o kahit man mga panagot ng kompanya upang madagdagan ang liquidity sa pamilihan.
Ang mga ito ay isang uri ng future na may petsa ng pagkakawalang-bisa bawat tatlong buwan (minsan bawat tatlong buwan).
Karaniwan itong pinakabagong presyo kung sa alin tinrade ang isang sapi o kalakal, na nangangahulugan sa pinakabagong presyong pinagkasunduan ng bumibili at tagapagbili na isagawa ang isang transaksiyon para sa nauugnay na instrumento. Kilala rin bilang Presyong Na-quote.
Ito ay ang pangalawang salapi sa isang pares ng salapi at ginagamit ito upang tukuyin ang halaga ng baseng salapi (ang unang salaping nabanggit sa isang pares ng salapi).
Ito ay kung kailan bumabawi ang isang presyo pagkatapos ng matagal na panahon ng paghina.
Ito ay ang relatibong presyo kung sa alin maaaring ipagpalit ang isang salapi para sa ibang salapi.
Tumutukoy ito sa pagkakalantad sa mga alanganin, hindi inaasahan at hindi gustong pagbabago.
Ito ay ang pagkakaiba sa pagitan ng presyong hiniling at ang presyong nakuha, karaniwan dahil sa nagbabagong kondisyon sa pamilihan.
Tumutukoy sa mga pabagu-bagong kondisyon sa trading na kulang ng anumang makabuluhang kalakaran at/o follow-through.
Ito ay ang pagkakaiba sa mga pip sa pagitan ng presyong ask at ang presyong bid. Kinakatawan ng spread ang mga gastos sa serbisyo at pinapalitan nito ang mga bayad sa transaksiyon.
Ito ay isang panandaliang paghinto sa trading ng isang produkto.
Ang ibig sabihin nito ay “Take Profit” at isang uri ito ng limit order na pinahihintulutan ang trader na tukuyin ang tubo sa isang tiyak na halaga kapag umabot ang presyo sa isang tiyak na antas at nagsara ang posisyon.
Ito ay isang pamilihang walang liquidity at may mababang bulumen na nagbibigay-lugar sa mga hindi mahuhulaang kondisyon sa trading.
Ito ay isang sukat ng pinakamababang pataas o pababang galaw sa presyo ng isang panagot.
Ito ay isang bagong quote ng presyo na mas mataas kaysa sa nakaraang quote ng pagtaas ng presyo ng isang panagot na kaugnay ang huling tick. Tinutukoy din ito bilang isang Plus Tick.
Ito ay isang regulasyong ipinasa ng US Securities and Exchange Commission (SEC). Ayon dito, dapat maibenta ang isang panagot nang short sa isang presyong mas mataas kaysa sa nakaraang trade. Kilala rin ito bilang ang Plus Tick Rule.
Ito ay isang galaw na mas mataas sa aksiyon ng presyo, na dulot ng isang serye ng mga magkakasunod na mas mataas na tuktok at magkakasunod na mas mataas na labangan. Nagpapahiwatig ang isang uptrend ng palagay na bullish, sa madaling salita, na mukhang aakyat ang mga presyo. Sinusubukan ng mga trader na bumili ng mga pullback (panandaliang pagbagsak sa presyo) nang malapit sa linya ng kalakaran, kabilang ang ibang mga diskarte.
Ito ay ang Chicago Board Options Exchange (CBOE) Volatility Index, na kilala rin bilang ang “indise ng takot”. Ito ay isang sukat na ginagamit upang subaybayan ang inaasahang pagbabagu-bago sa indise ng S&P 500 sa susunod na 30 araw at isa itong pinakakilalang indise ng pagbabagu-bago sa pamilihan.
Ito ay isang sukat sa estadistika na kumakatawan sa kung gaano kalaki ang galaw ng presyo ng isang asset sa paligid ng average na presyo. Kadalasan itong tumutukoy sa kawalang-tiyak tungkol sa laki ng mga pagbabago o pagpapaiba-iba sa halaga ng isang panagot.
Ito ay ang kabuuang bilang ng mga sapi o kontratang tine-trade sa pagitan ng isang bumibili at isang tagapagbili para sa isang natukoy na panagot sa haba ng isang yugto ng panahon. Ang bulumen ng kalakal ay sinsukat sa mga sapi, bond, kontrata ng mga opsiyon, kontrata ng mga future, at lahat ng uri ng kalakal.
Tumutukoy sa pattern ng tsart na ipinapakita ng mga magkasalubong na linya ng kalakaran sa isang tsart ng presyo. Ang mga linya ng kalakaran na may hugis ng kalsa ay itinuturing na mga kapaki-pakinabang na panuto ng isang posibleng pagkabaligtad sa aksiyon ng presyo ng teknikal na pag-aanalisa.
Ito ay terminong balbal para sa kondisyon ng isang napakapabagu-bagong pamilihan kung saan ang isang biglaang galaw ng presyo ay sinusundan kaagad ng isang biglaang pagkabaligtad.
Ito ay isang pangkalahatang termino para sa alinman sa isang stop o limit order. Ginagamit ito upang abisuhan ang inyong broker na isagawa ang isang trade kapag umabot sa isang tiyak na presyo ang isang asset.
Ito ay isang simbolong ipinapikita bilang isang footnote o hulapi sa isang ticker system sa isang trading platform o inilathalang ulat. Ang ibig sabihin nito ay “Ex-dividend”, na nangangahulugang walang dibidendo. Kapag tine-trade ang isang sapi nang ex-dividend, ang kasalukuyang istakholder ay nakatanggap ng kamakailang bayad ng dibidendo at sinumang bibili sa saping iyon ay hindi makakatanggap ng dibidendo. Malamang na magiging mas mababa ang presyo ng sapi dahil dito.
Ito ay isang salapi na umiikot o tine-trade sa mga pamilihan sa labas ng mga lokal na hangganan nito. Nagmula ang pangalan sa unlaping Griyegong “xéno”, na nangangahulugan ng dayuhan o kakaiba. Isang halimbawa nito ay ang pagdeposito ng Japanese yen (JPY) sa isang bank account sa Europa o ang trading ng Indian rupee (INR) sa Estados Unidos.
Ito ay isa sa mga pinakalumang sistema ng elektronikong trading, na inilunsad sa Frankfurt, Germany noong 1997. Naghahandog ito ng mas mataas na flexibility para makita ang lalim ng order sa loob ng mga pamilihan at naghahandog ng trading sa mga sapi, pondo, bond at mga kontrata ng kalakal. Kasalukuyan din itong ginagamit ng mga pamilihang sapi sa Ireland, Vienna at Shanghai.
Ito ay ang taunang rate of return sa isang pamumuhunan na ipinapahayag bilang isang bahagdan. Kinakalkula ito sa pamamagitan ng paghahati ng coupon rate sa kasalukuyang presyo.
Ito ay isang grapikong ibabanghay ang antas ng interes ng isang tiyak na panagot (karaniwang utang ng pamahalaan) para sa isang hanay ng iba’t-ibang maturity.
Ang lahat ng trading ay may kasamang panganib. Posibleng mawala ang lahat ng iyong kapital.
Ang IronFX ay isang ngalang-pangkalakal ng Notesco Int Limited; isang kompanyang iningkorpora sa Anguilla na may numero ng rehistro na A000001800 at rehistradong address sa The Valley, AI2640, Cosely Drive, 1338, AI.
Paalala: Ang mga serbisyong ipinapakita sa website na ito ay ibinibigay ng Notesco Int Limited at hindi ng anumang kaanib na entidad.
Babala sa Panganib: Ang aming mga produkto ay tine-trade nang may marhen at may kaakibat na mataas na antas na panganib at maaaring mawala ang lahat ng inyong kapital. Maaaring hindi naaangkop ang mga produktong ito para sa lahat ng tao at dapat ninyong tiyaking nauunawaan ninyo ang mga kaakibat na panganib.
Ang impormasyon sa site na ito at ang mga produkto at serbisyong inaalok ay hindi nilalayong ipamahagi sa mga residente ng Australia, o sa mga tao sa anumang bansa o hurisdiksiyon kung saan ang naturang pamamahagi o paggamit ay magiging salungat sa lokal na batas o regulasyon.
Hindi inaalok ng IronFX ang mga serbisyo nito sa mga residente ng ilang tiyak na hurisdiksiyon tulad ng USA, Cuba, Sudan, Syria at North Korea.
Babala sa Panganib:Ang aming mga produkto ay tine-trade nang may marhen at may kaakibat na mataas na antas na panganib at maaaring mawala ang lahat ng inyong kapital. Maaaring hindi naaangkop ang mga produktong ito para sa lahat ng tao at dapat ninyong tiyaking nauunawaan ninyo ang mga kaakibat na panganib.
Babala sa Panganib:Ang aming mga produkto ay tine-trade nang may marhen at may kaakibat na mataas na antas na panganib at maaaring mawala ang lahat ng inyong kapital. Maaaring hindi naaangkop ang mga produktong ito para sa lahat ng tao at dapat ninyong tiyaking nauunawaan ninyo ang mga kaakibat na panganib.
IronFX Affiliates
iFX EXPO Dubai
22-24 February 2022
Dubai World Trade Center
Meet us there!
Iron Worlds Championship
Grand Finale
Prize Pool!*
*T&Cs apply
Iron World
November 16 – December 16
Minimum Deposit $5,000
Ang lahat ng trading ay may kasamang panganib. Posibleng mawala ang lahat ng iyong kapital.
The Iron Worlds Championship
Prize Pool!*
Titania World
October 15 – November 15
Minimum Deposit $3,000
*T&C apply. All trading involves risk.
It is possible to lose all your capital.
Iron Worlds Championship
Prize Pool!*
Tantalum World
14 September– 14 October
Minimum Deposit $500
*T&C apply. All trading involves risk.
It is possible to lose all your capital.
Thank you for visiting IronFX
This website is not directed at UK residents and falls outside the European and MiFID II regulatory framework, as well as the rules, guidance and protections set out in the UK Financial Conduct Authority Handbook.
Please let us know how would you like to proceed:
(Recommended for UK residents)
Thank you for visiting IronFX
This website is not directed at EU residents and falls outside the European and MiFID II regulatory framework.
Please click below if you wish to continue to IRONFX anyway.
Iron Worlds Championship
Prize Pool!*
Phosphora World
14 August - 13 September
Minimum Deposit $500
*T&C apply. All trading involves risk.
It is possible to lose all your capital.